Kung binabantayan nyo ang Market, Mapapansin nyong ilan araw na din Red days ang PSEI.
Maraming factors kung bakit medyo nag down ang mga stocks after ng isang malakas na bull run. Una, Dahil sa mga big players na nag tatake profit na. Ibig sabihin ay binebenta na nila ang mga postion nila. If Mababa na ang demand, Price will go down. If Big Players are selling, So are the small players. Follow the leader!
Isa din sa mga factor nito ay may uncertainty pa din sa recovery economy dahil sa Covid kahit may vaccine na. We are still on quarantine and alam naman natin na wala talagang malinaw na plano pa ang government sa vaccination program. Gusto nga nila isali ang mga teacher e!
At lastly, is walang catalyst or any new positive news para i push ang stock uptrend. Soon. The Biden Effect!
Pero hindi nawawalan ng opportunity sa stock market mapa downtrend o uptrend man ito. basta may strategy ka at risk management pwede kang kumita.
So ngaun, I shahare ko sainyo ang isa sa mga trades ko nakaraan. si PHA or Premiere Horizon Alliance.
Summary:
Stock: PHA - Premiere Horizon Alliance (PSE)
Strategy: Darvas Box / Breakout Play
Entry Price: 1.44
Exit Price : 1.98
Duration: 6 days
Profit: +37.24%
Na share ko na sainyo before na bihirang bihira ako magcheck ng news, research about sa company ng mga stocks na binibili ko. Talagang pure Technical analysis lang, Pag pasok sa strategy ko, inaadd ko na sya sa watchlist ko.
Bago ko pa bilin si PHA, nasa watchlist ko na to at ilan beses ko na rin balak pasukan. Dahil sa gustong gusto ko yung mga ganitong price action. Yung may Strong base at mahabang consolidation.
Darvas Box or Breakout Play ang ginawa ko dito, So ang stategy ko, pag na break ni PHA si Darvas with high volume, hahanap na ko ng magandang entry then if mali ako sa analysis, cutloss ako sa pag bumalik sa base.
More than 20% na ako sa PHA nung nalaman ko yun catalyst nito.
Merun palang silang new products na ilalaunch sa Pinas, ito ay ang SquidPay.
Kung famliar ka s GCASH, Paymaya or Paypal, Ganun si Squidpay. Isa sa mga game changer ang Fintech or e wallets lalo na nung Pandemic. Kaya kung Fundamentalist ka or isa kang trader na nagbabase sa growth ng company. Isa si PHA sa mga watchlist mo dahil malaki ang potential ng stock na to.
Una kong strategy kay PHA is Breakout play then Trend following na lang. Pero maaga ko sya nabenta at price 1.98 dahil magbabakasyon ako at medyo volatile yung stock na to dahil isa syang penny stock. Ibig sabihin malaki din ung possibility na hinahype lang sya or pina pump and dump ng mga malalaking Players.
Marameng ng stock na na-Pump and Dump at naipit yung mag retail traders. Siguro I shashare ko sa iny sa next post ko kung ano nga ba ito, panu malaman at pano iiwasan para ma protect nyo ang capital nyo.
Gain is Gain, Kung hinawakan ko si PHA ng mas matagal umabot sana ng more than 100% yung profit ko. Pero Wala naman nakaka alam kung anu yung magiging movement ng kahit na anung stocks sa future.
Pasensya na din at puro take profit yugn mga shineshare kong trades, Marame din akong Cutloss or losing trades. Tinatamad lang talaga ako mag share ng negative news. hayaan nyo at hahanap ako ng magandang example. Haha
Thank you ulit sa pag suporta sa blog ko!
Happy Trading and Investing!
No comments:
Post a Comment