Friday, April 30, 2021

Gusto mo bang maging isang successful na Trader? - Here is my Trading Plan and Rules

Napakadameng Strategy, Teknik at secrets sa pagte-trade, Pero bakit napakadame pa din nagfafail pagdating sa long term or kung pag bumagsak na yung Market?



Naalalala nyo last year nung unti unti nagrerecover si PSE? Napakadameng biglang nagpopost ng Portfolio nila, yung mga gains at strategy nila. Pero nung bumagsak ulit, kame kame na lng ulit naguusap sa Community. 

Kahit anung strategy gamitin natin, kung walang tamang execution, Trading plan at risk management, Di ka talaga kikita sa Trading sa long run. 

Date, Naka ilan palit pa ko ng strategy, Dahil yun ung akala kong effective dahil gumagana sa iba, sa mga idol ko, Pero nauubos pa din ang pera ko. Kase wala akong plano, wala akong rules, Kase di ko matangap na mali yung trade ko at Hindi ko alam kung hangang kailan tama ako. 

Late man, At least natuto tayo, Humanap ako Trading Plan na bagay sakin, Humanap ako ng strategy na pasok sa Lifestyle ko. Since na may Day Job ako at hindi ko kayang bantayan ang market minuminuto, Iniiwasan ko yung risky na trade.

Maaring iba iba tayo ng strategy sa Trading, Pero sa dame ng nabasa kong libro at napanuod na seminar. Halos same lang sila ng mga trading plan. 

Di na ko magpapaligoy ligoy pa, Eto na. I will share my Trading Plan

  1. Find a Stock
    Syempre, hahanap tayo ng stock, Crypto, Pairs or kahit saan market pa yan, Walang problema, Same same lang naman sila e. Pero mag focus ako sa Philippine Stocks.

    Ang mga Pinipili ko is yung mga stocks na nagcecreate ng base, Increasing ang volume or nasa Trading range. Madalas sa PSE, Nasa 10 to 15 stocks yung nasa watchlist ko at minomonitor ko everyday after mag close ng market.

    Humanap ka ng stocks na pasok sa Strategy mo, Hindi yung sinabe lang ng Guru sa FB or dahil trending lang sa Reddit, Twitter at Investa. 


  2. Determine the Setup
    Anu ba ang trend ng Market? Downtrend, Uptrend or Sideways? Sino ang mga market leaders, Anung Industry or Index ang strongest. Dyan Papasok si Strategy mo. Bottom Pick ba dahil downtrend si market, Swing Trade or Break Out Play.

    Mahirap lumangoy salungat sa agos, Go with the Flow, Trade with the Trend. Wag makinig sa iba, Maliban lang kung masisingil sila pag talo ka. 

  3. Plan the Trade
    Naalala ko yung sinabe sakin ng isa sa mga mentor ko. "Kung mas mabilis kapang mag buy or sell ng stocks kesa mag Add to Cart, patay kang bata ka" HAHA

    Wag mong ituring sugal ang Trading, Hindi ito hula o swerte lang. Turing mo tong Negosyo.

    WAG ma FOMO or Fear of Missing Out. Napakadame ng inubos na mga Savings tong salita nato. Kaya ako umiiwas ako sa mga groups at GC at mas pinili kong magisa dahil mas effective ako dun. 

    Once na may mga stocks kana sa Watchlist mo, Plan your trade, Saan Price ka mag eentry, Kailan ka magcucutloss at Ano ang Target Price mo.

    Matutong mag cutloss at Wag Greedy
    Matutong mag cutloss at Wag Greedy
    Matutong mag cutloss at Wag Greedy

    Malupitang Loss yung nangyare sakin nuon bago ako nadisiplina ang sarili ko. May isa akong stock na umabot ng 60% Loss dahil umaasa akong makakabawe to. After almost a year, bumaba to ng 19% loss dahil unti unting umaangat ang price nya pero kung binenta ko na sya sa 5% loss pa lang at bumili ako ng ibang stocks siguro sa luob ng isang taon, bawing bawi ko na ung 5% loss na un. 

    3 Trade mo talo with 5% loss each? Ok lang yan kung ang isang trade mo naman ay more than 30% or 50% gain. Maniwala ka, Lahat ng librong about sa pag te trade at kahit anung strategy pa mga gamit nila. Cut loss ang dahilan kaya sila Effective. 

  4.  Execute, Monitor and Be Patience
    Pwedeng dun sa 10 Stocks na nasa watchlist mo ay 2 or 3 yung pasok na sa Plan at pwending bilin or pwede naman silang lahat. Next Step is Execute your trade.

    Anung Stocks yung pinakamalakas? Yung may magandang reward at mababa yung risk? Di mo need lahat bilin, Pwedeng yung sa tingin mong pinaka dabest lang.

    Be Patience, Kung Swing or Trend Following ang style mo, Iwasan mo na imonitor si Stocks sa lower timeframes, Ok na yan nachecheck mo sila everyday. 

    Monitor your Trade, Huwag mong hayaan hintayin sampalin ka ng katotohanan na mali yung trade mo. Pag Mali ka, Exit na. Huwag mo na din hintayin pa na ubusin nya yung gain mo. Wag ka masyadong Hopeful, Iwasan mo yung "tataas pa kaya to?" "Tataas pa to" "Hindi na tataas to"

    Exit pag nahit yung Target Price, Exit pag nahit yung Cutloss. 

  5. Finish. Treat your gain or loss as your New Capital
    Yown, Nahit mo na si target price, Nakapag sell kana, Merun ka ng 50% gain. Pero merun kang trade na 15% loss dahil umaasa kang babalik pa to sa date nyang price at ma be-break even mo. Iniisp mong ok lang yan dahil kahit matalo ka ng 25%, Panalo ka padin. MALI!

    Treat mo yung gains mo as new capital or puhunan, pera mo nayan. Wag mong gawin mindset na ok lang yan matalo kase di naman sya yung puhunan mo.

    150K kana from 50K na puhunan? I treat no na si 150K as your new capital. Sa gantong mindset, maiiwasan mong magsugal at mas madidisiplina mo yung sarili mo. 

Simple lang diba? OO, Hindi madali ang trading, Pero Hindi rin sya mahirap. Simple lang sya. Ang kailangan mo lang dito ay Disiplina. 

Etong Trading Plan na to ay pasok sa kahit anung strategy, Mapa long term man o hardcore trading. At the end of the day, Yung Risk appetite at Discipline mo pa rin naman ang masusunod. 

Goodluck at Happy Trading/Investing mga Pre!

No comments:

Post a Comment