Saturday, December 21, 2019

Things to Avoid When Investing in Philippine Stocks

It's been a while since my last post, sorry at naging busy lang on some personal matters but here I am again with a new post! 

Things to avoid when investing in Stock market. Hindi Risk Free ang pagiinvest sa stocks. Marame ng nabigo or nag fail at nawalan ng pera dahil sa maling pag iinvest at maling paraan ng pag invest sa stocks. Kahit ako date nung nagsisimula ay ilan beses din nagkamali kahit alam na alam ko na yung mga dapat gawin. 

So, Anu anu mga mga dapat iwasan pag mag iinvest sa stocks?

1Facebook Groups and Gurus Recommendation

Wag na wag kayong sumabay sa hype, Oh yung mga pinopost ng mga “gurus” at mga tao sa mga PSE facebook groups na dapat nyong bilin dahil “to da moon” na daw ang Price nito. Ilan beses nako nakakita ng mga maling speculation at analysis ng mga feeling Stock gurus na to at nakakaawa yung mga simpleng taong  naniniwala sa kanila at nawawalan ng pera.

Kasali din ako sa mga iilan facebook groups pero para maging updated lang ako sa mga news, disclosure at updates sa mga stocks pero hindi ako kumukuha ng recommendation doon para sa mga stocks na bibilhin ko.

Isa sa perfect example nito ay yung hype sa $NOW nung magkakaroon ng 3rd Telco sa Pilipinas. Una pa lang alam ko ng walang pagasa sa NOW, Bilang isang IT analyst, nasa iisang industry lang kame ng NOW at alam kong walang pagasa tong maging 4th telco, pero ang daming fake post, hype at kung ano ano pa na ito daw ang magiging 3rd telco. Dumating pa ako sa point na nakikipag away ako sa comment section ng fb para lang mapaniwala ang iba na walang pagasa to. Ang daming OFW ang nawalan ng pera o malaki ang loss dahil sa pagbili ng stocks ng NOW.



Isipin mo yung bumili ng stocks sa halagang P10, P12 o higit pa per stocks at ngaun ay nasa P2 per stocks na lang ito dahil sa paniniwalang instant yaman sila. Kulang sa research. nabiktma ng hype. 

1         2. Putting all your eggs in one Basket

Wag mo ibuhos lahat ng Buying Power or Funds mo sa iisang stocks lang. Hindi mo masasabe kung kailan babagsak o tataas ang stock market. Atleast have 2 to 4 Stocks sa Portfolio mo.

I have always 3 to 4 sa Port ko, Pag may nakareach na ng target price, Ibebenta ko na sya then hanap ulit ng bagong pwedeng bilhin. Sa ganitong paraan, Yung losses ko sa isang stocks ay nababawi ng gains ko sa ibang stocks.





1         3. Trading with Emotions

Medyo natagalan ako bago ko naalis to sa Sistema ko. Lalo na nung nag istart ako sa Stock market, punong puno ako ng excitement. Always follow your trading strategy. Buy and Sell sa target price mo. Magkaroon ng Cutloss.

Ang mali ko date? Wala akong Entry/Exit price at Cutloss. Pag nagkakaroon na ko ng stocks na  may gains or green sa portfolio ko, Hinahayaan ko lang sya at hindi ko binebenta. Minsan sinasabe ko na pag nagkaroon ako ng 10% gain, Ibebenta ko na sya, at maiisip kong pano kung mas lalo pa syang tumaas? And that’s the time I trade with my emotions. Naghuhula ako, OO pwede syang tumaas, pero pano kung hindi? Imbis na merun na kong 10% gain o kita nawala pa.

And pano naman kung red or losses ako sa portfolio ko? Ang ginagawa ko date, Hinahayaan ko lang sya at umasa na mabawe ko yung losses ko. Di ko talaga ibebenta. Pero totoo naman, bumalik siya minsan sa price na nabili ko sya, Pero gano katagal? One month? 1 year? 2 years? Isipin mo na sa luob ng panahon na nagihintay ka lang mabawe yung loss mo sa isang stocks, Pwede kang kumita sa ibang stocks kung binenta mo na sya sa target cutloss mo.

PERO, depende yan sa strategy mo. Ang strategy ko? Peso-Cost Averaging. Bili lang ako ng bili ng stocks hangang ma hit ko ang target price ko.

Sa long term stocks ko, wala akong cutloss, dahil Peso-Cost Averaging ang ginagawa ko. Kahit bumagsak or tumaas yung price, Consistent lang ako sa pagbili nito quarterly hanggang mahit ang target price ko.

Sa Short term stocks ko, once na may 5% loss na ko, Binebenta ko na siya at hahanap ako ng bagong pwedeng bilhin. Pano kong tumaas ulit after ko ibenta? Wala akong pake kase I trade using my strategy at hindi gamit ang aking emotions. Proven ko na to.

       
      4. Investing all your savings

Wag mo ibuhos lahat ng naipon mo sa stocks. I-Divide mo yung income mo para sa Savings, Investment, Emergency at sa pang araw araw na gastos.

Iinvest mo yung pera na kaya mong mawala sayo bigla. Dahil ang stocks ay parang negosyo, kumikita pero minsan ay natatalo din. Magkaroon ng disiplina sa pera

Ang ginagawa ko sakin ay tuwing sasahod ako, Hinahate ko na yung pera. May nakalaan sa Savings, Investment, Emergency at Daily allowance ko. 20% ng sahod ko ay nilalaan ko sa stocks. 25% sa Savings, 15% sa emergency fund,

Applicable yan kahit gaano kalaki o kaliit ang sahod mo. Basta may disiplina ka sa pag-iipon at sa pera, makakapag tabe ka para sa Investment Fund mo
                

Hindi laging winner tayo sa Stock market,  Minsan talo, Misan Panalo. Ang mahalaga may Trading Plan tayo at alam natin yung mga bagay na dapat iwasan. 

Tandaan na pera na pinaghirapan mo ang ginagamit mo sa stocks. Hindi to sugal kundi investment. At ang pinakamahalaga sa pagiinvest ay alam mo ang ginagawa mo. 

Maraming salamat at happy Investing kabayan!



No comments:

Post a Comment