Monday, February 1, 2021

Ano ba dapat ang merun ka bago magsimula mag Trade sa Stock Market?

Nag start ang journey ko sa Stock Market nung 2016. Few months after ko ma-hire sa first job ko. 


Matagal ko ng naririnig to pero mas nahikayat ako nung nabasa ko yung book ni Bo Sanchez. Same story din siguro to ng mga taong wala sa financial industry pero naenganyo mag invest sa stocks. 

At first, Ang plano ko is long term investment o yung Peso-Cost Averaging, Eto yung consistent ka bibili ng shares ng mga blue chips companies then bebenta mo after few months o years for your retirement.


Yun parang nagiipon ka lang pero imbis sa savings account, sa Stocks mo sya nilalagay. 


Pero as time goes by, Napansin kong parang mas gusto ko yung mag trade or mag short term trading sa stocks dahil na inspire ako sa mga tutorial ni TomaTrader at Rayner Teo. Nalaman ko kase na marameng style ang pag tetrade at hindi mo kailangan bantayan ang market minu-minuto. 


Marameng uri ng trader, Depende yan kung anung bagay sa lifestyle mo. Pero bago mo alamin kung anung klaseng trading style ang bagay sayo, at bago mo pasukin ang stock trading. I-sheshare ko sainyo yung sa tingin kong dapat merun ka bago ka magsimula.


  • Lakas ng Luob!
    Mag risk ka lang ng halaga ng perang kaya mong mawala sayu pag nag snap si Thanos. Isipin mo lage na ang Trading ay parang negosyo. Pag pumasok ka sa isang bagay na wala kang kaalam alam, maluluge ka lang. Pwedeng kumita sa una pag sikat to pero pano mo o ano ang gagawin mo para maging stable ang profit nito. 

  • Emergency Fund
    Isa to sa mga bagay na kahit hindi ka nag tetrade or invest sa stocks ay dapat merun ka. Na kaugalian kase ng ilan na ang Ipon o savings nila ang ginagawa nilang emergency fund.

    Nasira ang kotse? kaltas sa savings, pampagawa ng bahay? Bawas sa ipon. Nawalan ng work? kunin sa savings.

    Sabe nila, Dapat ang Emergency fund mo ay equivalent ng 3-6months na sahod mo upang masecure ka for awhile anu man ang mangyare sa Pilipinas.

    Hindi naman agad agad na dapat may ganun ka agad na amount pera. Ako, ang ginagawa ko ay every cut off, nag tatransfer na ko agad ng 10% ng sahod ko sa Emergency fund ko. atleast pag walang emergency, palaki sya ng palaki. Kung mangailangan ng pera, Hindi mo need galawin si savings.

  • Main Source of Income
    Hindi easy money ang pagtetrade or invest sa stock market, Wag mo agad maisipan mag full time dito. Kailangan mo ng matinding talent, discipline at patience para maging profitable ka sa trading. Hindi lage pataas o bullish ang stock market. Paano kung magkaruon ng Gera, Epidemya, Recession na nagpapabagsak ng stock market. San kana kukuha ng ikabubuhay mo?

    Pumasok na rin to sa isip ko, Lalo na nung 2016 at 2017 kung saan sobrang bullish ni PSE, ang daming nag a all-time high, lahat tumataas. Kahit wala akong kaalam alam sa nangyayare. Then biglang boom, Sell Off, Nagbentahan na yung mga big players. Profit taking, Yung gains ko nawala, Loss pa yung iba. Yun yung time na sineryoso ko ang trading. Nagaral ako, Nagbasa ako ng mga libre at na realize ko na maraming paraan para kumita sa stocks kailangan mo lang malaman kung nau yun bagay sayo.

    Pag napansin mong consistent na yung yearly return mo, Mas malaki na yung kinikita mo sa Trading kesa sa work mo. at kaya ng emergency fund mong buhayin ka at ang pamilya kung sakaling bumagsak ang stock market ng ilan buwan, Dun ko masasabeng pwede mo ng i full time to. 

  • Build A Strategy, Trading Plan and Profile

    Madalas ka makakarinig sa Trading Community ng TAYOR, Follow your Plan and Manage your losses. Strategy and Trading plan ang susi sa pagiging profitable sa trading. Kung wala ka isa sa tatlong ito. Hindi ka nagtetrade ng stocks, nagsusugal ka lang. Ibig sabihin HULAnysis. Nanghuhula ka lang.

    Marameng uri ng Strategy at profile, may mga bagay sa mga taong may Day Job or yung hindi kayang bantayan ung market, Merun trading style na nagetetrade lang pag bullish yung market at merun naman nagteterade sa mini bounce pag bearish ang market. Alamin mo sa sarili mo kung anung strategy ang bagay sayo. Yung saan comfortable ka.

               
Wag ka magmadali, Di kamauubusan ng opprtunity sa Stock Market, Cylce lang ito, Ibig sabihin ay paulit ulit lang ang nangyayare, Ang dapat mo lang malaman ay kailan ka sasakay at kailan ka bibitaw para di kamaiwan sa baba o sa taas.


Pag may maisip pa ko, I shashare ko pa sainyo, Sa ngayun eto muna, Maraming salamat at Happy Trading!
    


No comments:

Post a Comment