Thursday, January 7, 2021

DITO Trade - Take Profit - Position Trading - 86% GAIN

Happy New Year mga Ka-Trader.


I hope safe ka at an Family mo.


Ang ganda ng pasok ng 2021 satin dahil na closed ko ang isa sa mga pinaka malaki kong Profit sa pag tetrade ng Stocks sa Philippines.


Summary:

Stock: DITO - DITO CME Holdings (PSE)
Strategy: Position Trading
Entry Price: 6.87
Exit Price : 13.80 and 12.30
Duration: 34 days
Profit: +86.16%


Bago ko ikuwento ang trade ko kay DITO, anu nga ba ang Position Trading?


Ang Position Trading ay ang pagbili ng stocks sa base na umaasa kang sooner or later is aangat ito dahil sa isang Catalyst o positive news.


Medyo Mahaba ang holding period ng Position Trading. Pwede tong weeks or months bago magkaruon ng strong moves ang isang stocks, Ang kagandahan nito, Naunahan o nakapwesto kana bago pa lumipad ang isang stocks.


Bagay na bagay to sa mga tao na wala masyadong oras para bantayan ang stock market. 


Kumbaga sa Darvas Box Strategy, Ay Bumibili ka ng stocks pag na break ng Price yung stocks, Sa Position Trading, nakabili kana habang nagfoform ng base ang stocks sa luob ng box.


Nabili ko si DITO at price 6.87 nung napansin kong nagform ulit ito ng Base after mag pullback pagkatapos ng isang malakas na uptrend move.






Isa to sa mga price action ng stock na gustong gusto ko. Low volume on Red days and High Volume on green days. Ibig sabihin, Iilan lang ang gusto magbenta. At People are willing to buy at higher prices. 


News driven ang DITO dahil sa ito ang magiging Third Telco ng Pinas, Ibig sabihin, any news about DITO ay apekatado ang price ng stocks nito. 


Di ko inexpect na ang mag breakout agad to after 2 days nung nabili ko siya. Ang target price ko dito? Wala, My Plan is hangang malakas si DITO hold lang ako, any sign of weakness, ibebenta ko na sya. 


And here what happens after few days, BOOM!



Everyone is buying! Mataas ang demand kaya tumaas ang presyo, Banks, Fund managers, OFW, Lahat nagbibilihan na. At habang pasakay pa lang sila. Ako, Naghihintay na lang ng signal kung kailan bababa. 


Di ako nagbabasa ng news, Chart lang ako nagbabase kung kailan ako bibili at magbebenta. At Short Term Trader ako, Masaya na ko sa 20% 30% nuon dahil di ko naman matagal hinahawakan ang isang stock.


Umabot pa ng 100% yung gain ko pero next day, Nagkaruon na ng selling pressure si DITO, ibig sabihin, marame na ang nagbebenta at nagtatake profit. Marame ng natakot na baka mabuhusan ng malalaking bangko, Wala ng masyadong demand kaya medyo bumagsak na ang presyo.


Binenta ko si DITO after 34 Days with 86% gain.


Antay ulit ng next base or if ma break nya yung previous resistance, papasok ulit ako. Sa ngayun Enjoyin ko muna yung gain ko.


Malayo pa lalakbayin ng stock na to. Nagsisimula pa lang ito. At never ka maiiwan kung alam mo kung kailan ka dapat sumakay at bumaba.


Maraming Salamat at Happy Trading!


No comments:

Post a Comment