Monday, December 21, 2020

BDO Trade - Take Profit - Good or Bad Trade?

Merry Christmas everyone!


Mabilis na post lang po para sa isang trade ko. 


Stress free trade to dahil wala masyadong movements at malumanay yung galaw dahil blue chips sya pero matagal tagal ako nagintay bago ko mahit si TP.


31 days lang naman! tagal diba? 


Simple Darvas Box strategy lang to at sell half on resistance.  


Summary:

Stock: BDO - Banco De Oro (PSE)
Strategy: Darvas Box
Entry Price: 97.63
Exit Price : 113.50 and 110.60
Duration: 32 days
Profit: +13.73%


Actually bagay na bagay to sa mga taong hindi masyadong nababantayan ang market dahil sa Blue Chip na si BDO, uptrend na rin ang movement nito. Mababa yung si Risk pero maganda din naman yung reward.


So bumili ako ng BDO at price 97.60. Break Darvas box at Resistance. Ang strategy ko dito is if ma break ni BDO si 100 Pesos, hold at trend following gagawin ko.


Trend following ibig sabihin ay hangang uptrend si BDO, Di ko sya bebenta. 



Ganda nung movements nung mga unang araw pero di kasing lakas ng ibang stocks na nasa financial sector tulad ni BPI at EW.

Balak ko na din to ibenta nung una, Gain is Gain, Kase sayang yung ibang mga stocks na nagliliparan tapos un hawak ko is kupad pagong padin. Pero nagdecide akong Hold muna since busy ako nung mga time na to at hindi ako masyado makapag check ng market.


Binenta ko yung half ng shares ko BDO sa next resistance, 113.50 pesos. May hawak pa kong half. Pag ma break ni BDO yung resistance. I can still earn more dahil may hawak pa kong shares. If hindi naman ma break, nakapag bag na ko ng profit tapos pwede pa ko magbenta anytime with lesser profit. Win-Win!


Next Half is binenta ko at 110.60, Binenta ko sa support. Ibig sabihin, Hindi pa na break si BDO yung isa sa mga major resistance nito at nag pullback pa sya. Naisip ko din i hold muna pero dahil na observe ko na yung movement ni BDO na medyo ma kabagalan. Papasok na lang ulit ako pag may magandang setup. Dun muna ko sa ibang stocks na maganda yung movement at pasok sa setup ko.  


Total gain is 13.73%. Gain is gain pero 31days yung duration ngtrade ko. Medyo Mahaba. If nilagay ko sa sya mga stocks na nasa watchlist ko, Pwede ko ma achieve yung gain na yun within 1 week or 5 days. Sayang diba?


Bad trade sya dahil siguro medyo mahaba yung duration pero lageng tandaan, Walang naluluge sa taong kumikita kahit ganu kaliit pa yan. 


Maganda yung mga gantong setups and trade para sa mga busy sa work or negosyo nila. Di mo need masyado bantayan ang market basta maganda ung entry mo at alam mo yung exit mo. Check lang yung current price once a day and if TP na, benta na next day.


Ayun lang guys! May isang talo pa la kong trade today. Share ko tom!


Thank you and Happy investing and trading! 

No comments:

Post a Comment