PSEI is back at 7k Level, Magbunyi ang may mga VUL!
Sobrang ganda ng PH Market, Grabe, this past week parang di ko na alam kung ano uunahin ko. Ang dameng magagandang setup.
Naka ilan trade din ako nung November pero ito ata ang pinakamaganda at walang ka stress stress na trade ko.
Summary:
Stock: SECB - Security Bank (PSE)
Strategy: Darvas Box
Entry Price: 111.10
Exit Price : 130
Duration: 13 days
Profit: +18.85%
Favorite talaga natin setup ang darvas box dahil mababa ang risk at easy lang gamitin. wala ng fancy fancy terminologies.
Gusto ko talaga gawan ng blog o video tutorial kung pano to pero tamad na tamad pa ko. Next time promise!
Blue Chips ang Security Bank, so kung trader ka, Medyo second option sya dahil hindi ganun kalakas ang movement ng blue chips companies o yung mga stocks na nasa PSEI. Mas pipiliin mo yung may mas malaking reward diba?
Pero since maganda ang takbo ni PSEI, Sayang yung low risk trading lalo nat busy tayo at tulog ako pag open ang PH Market.
Bounce Back ang Financial Sectors, nasakyan natin yung trend ni BDO at SECB pero sayang at hindi natin napansin si BPI.
Anyway, Ayun na nga, Nabili ko si SECB at 111.10 nung lumabas na sya sa darvas box ko. Medyo late na nga ako nakaposition dito dahil matagal na syang nasa watchlist ko.
Nung nabili ko siya, may target price na ko, Naka pend na yung order ko sa broker na once ma hit ni SECB ang P130, matic na mabebenta na sya.
130 ang napili kong target price dahil para sakin eto na yung next resistance nya, Last suport price na to nung march bago bumulusok pababa ang price dahil sa pandemic
So sa status nya ngaun, pwede nya i break yung Resistance na yun o mag pullback yung price. Pero since di ko masyado nababantayan ang market, next setup ko na gagawin yun. Profit is Profit. Hindi ko rin inexpect na mahihit nya agad yung target price ko dahil nag pullback si PSEI pero ang lakas talaga ni SECB.
Stress free, walang ginagawa, utak lang, Nagka profit tayo ng almosy 19% sa luob ng 2Weeks, Not bad diba?
May isa pa kong open position na from Financial Sector din, as of now, Dec 3, Up na sya ng 9% let's see kung magiging maganda ba ang trade natin dito or hindi.
Hindi lahat ng Take Profit ko ay good trades, merun akong mga trade na kumita ako pero bad trade dahil pangit ng exit ko or mali yung setup ko. Pero tuloy tuloy nayung matututu.
Wala pa ko ma share na Stop Loss or Losing trade dahil puro panalo tayo nakaraan at medyo sobrang maingat dahil busy. Pero sisikapin kong magkamali, Don't worry! Hahaha
That's it! Happy Trading and Investing!
No comments:
Post a Comment