Kamusta Traders?
Pasensya na at hindi ako masyado nakakapost ulit ng mga trades ko pero share ko sainyo ang isa sa pinakamagandang trade ko noong October 2020.
Makikita din natin ang kagandahan ng Tranch selling.
Ang ibig sabihin ngh word na "Tranche" ay parte or portion ng isang bagay. Sa trading, ginagamit to para i split or ibenta ang portion ng total shares mo para ma secure ang profit mo.
Maganda o mahalaga minsan ang pag sesell on tranches lalo na kung hindi ka sure o sigurado sa direction ng isang stocks kung magtutuloy ba ang momentum nito or fakout o pullback.
Sa trade na ito, ginamit ko ang style na to dahil hindi ako sure kung mag breakout ba si SCC sa Resistance.
Summary:
Stock: SCC (PSE)
Strategy: Darvas Box
Entry Price: 10.25
Exit Price 1: 12.00
Exit Price 2: 11.90
Duration: 19 days
Profit: +15.51%
Bumili ako ng SCC at 10.25 nung nag breakout yung candle sa Darbas Box ko.
Matagal na syang nasa watchlist ko at gusto ko na din bumili nung nasa consolidation period pa lang pero hesitant ako dahil hindi ko din sure ang direction ng stocks na to lalo na nung binalita na naalis sya sa PSE Index
Price gap down after the release of the New PSEI List and SCC was removed |
Overall trend, gaya ng halos lahat ng stocks sa PSE, downtrend to sideways ang behavior ni SCC. ibig sabihin anytime soon, maaring mag tuloy ng downtrend or mag bounce back na sila.
After the breakout, bumili agad ako at naghintay. Muntik na rin ako mapabenta nung nagkaruon ng bearish engulfing candle on the third day pero naghold pa din ako.
after makabawe ni SCC at nagtuloy tuloy na yung trend nya to 12. nag place na ko ng order. I sell half of my shares at P12 at ayun na matched naman.
I am still holding the half of my shares habang naglalalaro yung price ni SCC near resistance Medyo hesistant na ko sa part na to dahil mukang marameng naka abang na order sa 12ish lalo na yung naipit ng gap down para makapag break-even or gain ng little profit.
Sold my 2nd half of my shares at 11.90.
No comments:
Post a Comment