Sa post nato, mas papadiliin ko ang pagpili nyo dahil pumili ako ng 4 Stock broker na best option to trade or invest sa stock market.
Bakit nga ba 4 lang? Wala lang. trip ko lang.
Pano ko siya napili?
Napili ko syang 4 dahil sila ang pasok sa checklist ko. So sa bawat checklist at Bigigyan natin sya ng rating. From 1 to be the lowest and 5 will be the highest and sana makapag decide kayo kung saan kayo magoopen ng account.
- Accessibility
- Popularity
- Customer Service
- Community
- Platform Speed
- Initial Deposit
- Beginner's Guide
1. Philstocks - https://www.philstocks.ph/
- Accessibility - 4/5
- Popularity - 3/5
- Customer Service - 4/5
- Community - 4/5
- Platform Speed - 5/5
- Initial Deposit - P5000
- Beginner's Guide - 4/5
- Mobile App - Yes
My first and favorite online broker. IT ako, so big factor sakin yung pagiging innovative, speed, reliable and responsive ng platform ng isang online broker. So kung eto din ang hanap mo, Philstocks ang bagay sayo.
Isa sa mga favorite ko sa Philstocks is yung OneScreen Platform nila, Ibig sabihin, Lahat ng need mo gawin to buy and sell stocks is nasa iisang screen na. No Refresh, no new pages. Smooth and mabilis.
Sobrang ganda pa ng mobile app nito kaya gustong gusto ko sya. I think I use their mobile app more than sa Online platform nila. Ganyan ka reliable ang App ng Philstocks.
Sa Community naman ang masasabe ko ay walang toxic, Tahimik at exclusive ang group ng Philstocks na moderated by their employees as well. Meaning walang hype, sharing of ideas lang. Madame din silang inooffer na free semniar for both their clients and to all na gusto mag open ng account. Plus. consistent sila sa free research, education and recommendations na sinesend nila sa mga clients nila.
Mabilis din ang Funding at withdrawal ng Philstocks, Actually lahat naman ng nasa list ko ay wala kang magiging problem pagdating sa factor na to.
So kung ako ang tatanungin mo kung saan ka mag oopen ng account, Philstocks ang sasabihin ko. Dahil proven and tested ko na to.
2. Col Financial - https://www.colfinancial.com/
- Accessibility - 4/5
- Popularity - 5/5
- Customer Service - 4/5
- Community - 3/5
- Platform Speed - 2/5
- Initial Deposit - P5000
- Beginner's Guide - 5/5
- Mobile App - None
Isa dapat sa kinoconsider natin Online broker is dapat atleast 100% online ang transaction nila, meaning no need to go to their office, fill out printed forms, manual deposits and withdrawals. Isa yan sa mga nagustuhan ko sa Col Financial, Unlike before na walang option sila mag open ng account 100% online, ngaun inooffer na nila ito. Nakapag open ako ng account sa kanila thru online lang din
Maganda or best recommended to sa lahat ng first time mag trade or mag invest sa stock market dahil sa research at tutorials nito at pagiging user friendly ng platform nya. With initial deposit na P5000, Makapag start kana mag invest o mag trade sa stocks.
Isa lang madalas na reklamo ng mga tao dito, Platform Speed. Medyo mabagal at ma lag nga sya pag open ang market pero kung hindi ka naman day trader/Scalper, Hindi mo need problemahin yun. Hindi mo naman need tutukan ang market every minute. Tulad ko, I just placed my order, Check it from time to time and balik sa normal na buhay.
Isa lang din ang ayaw ko at wala sa Col Financial, Mobile App. sa panahon ngaun, ang isang bagay na "online" ay dapat may mobile app at maganda din sana kung may mobile app sila for more accessibility sa platform nila. Pero tignan natin, baka soon merun na.
And lastly, Kung magdecide ka mag open ng account sa COL, Iwasan nyo yung mga COL Financial groups na ginawa ng mga users nila sa facebook. Isa sa mga toxic ang mga groups ng users ng COL sa trading community.
Guide to Open Account in Col Financial
Click here : How To Open COL Financial Account 100% ONLINE
3. Mytrade - https://mytrade.com.ph/
- Accessibility- 4/5
- Popularity - 4/5
- Customer Service - 4/5
- Community - 4/5
- Platform Speed - 4/5
- Initial Deposit - P10000
- Beginner's Guide - 4/5
- Mobile App - Yes
Isa to sa mga sumisikat ngaun na Online Broker dahil sa magandang customer service feedback nila at naging recommended sya ng mga tao sa nagrereklamo sa speed ng colfinancial at dahil positive ang mga feedback ng mga lumipat dito, kaya mas naging sikat si MyTrade.
Plain and Simple but reliable. Yan siguro ang masasabe ko sa mobile app nila. Lahat naman ng kailangan mo is nandun na at mabilis din sya or mas mabilis daw sya compare kay Philstocks.
Pagdating naman sa community, isa to sa mga friendliest community na nakita ko sa facebook. Maganda dahil nagtutulungan yung mga users at sila din yung mga willing tumulong sa mga gusto magopen ng account.
Wala akong account sa Mytrade, pero Im planning to open an account as well para makagawa din ako ng review at tutorial. Yun lang din naman ang reason ko bat ako gumawa ng account sa COL, Plus its free naman to open an account. Pero since nasa list ko sya, Recommended ko din sya.
4. BDO Nomura - https://www.bdo.com.ph
- Accessibility - 5/5
- Popularity - 3/5
- Customer Service - 3/5
- Community - 3/5
- Platform Speed - 3/5
- Initial Deposit - None as long as you have BDO Online Banking account
- Beginner's Guide - 4/5
- Mobile App - Yes
Napansin mo siguro or kahit hindi mo napapansin. Pasang awa lahat ng grade na binigay ko kay BDO Nomura. Bakit sya nasama sa list ko? Dahil sa pagiging accessible nya. Siguro consider natin BDO is the largest bank right now sa Philippines and ang requirement lang ni BDO Nomura is to have a BDO bank account. So kung merun ka ng bank account sa BDO, you are good to go. Ibig sabihin, No need to fill out forms, magsubmit ng proof of identification, maglagay ng initial deposit dahil basta may account ka sa BDO ay pwede kana mag open ng account sa Nomura.
Like every other online broker, maganda din naman ng research at customer service ni BDO Nomura, though maraming negative feedback pero nature naman sa pinoy ang magreklamo at tahimik pag hindi sila apektado.
Kung may BDO account kana, I recommend na mag open kana ng account sa Nomura and test mo kung bagay sayo. Free lang naman to at walang initial deposit. If hindi ka natuwa, I have my Top 3 na pwede o pagpilian or you have more than 30 Online brokers pa.
Para sa Full List ng Accredited Online broker ng PSE ay avaialable to sa website ng PSE - Trading Participants
Guide to Open Account in Col Financial
Click here : How To Open COL Financial Account 100% ONLINE
Click here : How To Open COL Financial Account 100% ONLINE
Wala sa broker mo kung kikita ka sa Stocks or maluluge ka. Platform lang sila para makapag trade. Pero hindi rin dapat basta makapili lang. Pumili tayo ng reliable, mabilis, maganda ang customer service at matagal na sa industry.
Sana nakatuling ang post na to para Investing Journey nyo. Goodluck and Happy Investing/trading mga tropa!
No comments:
Post a Comment