Saturday, July 4, 2020

DITO Trade - Take Profit

Hello guys!

Kamusta? 

Naisip kong i share yung mga magagandang trades ko, regardless kung winning trade to or lose trade.

Syempre hindi tayo lage panalo sa stock market, merun din tayong talo. 

Hindi lahat ng winning trade ay matuturing na Good trade at hindi lahat ng losing trade ay matuturing natin bad trade. May mga lose trade na masasabe natin good trade dahil nag exit tayo ng maaga na nag prevent to lose more money or maipit or masunugan.

As buena mano, I sha share ko ang trade ko sa paboritong stock ng bayan. ang DITO. 

Summary:
Stock: DITO
Strategy: Darvas Box
Entry Price: 3.06
Exit Price: 3.65
Profit: 15.67%
Conclusion: Good Trade



My Entry is at price 3.06 nung June 17, 2020

This is the day na nag breakout sa tres at sa darvas box ko si DITO. 

Tumaas pa ng almost 20% ang gain ko kay dito, and bumaba to ng bumaba hanggang 10% pero dahil news driven ang stock na ito at medyo puro good news nuon nag decide pa rin akong i hold ang position.

kala ko ma reregain yung momentum after 3 consecutive red days pero after it was up by 6 percent on the next day down na naman sya sa sumunod na araw.

On June 30, I decided to sell my position at price 3.65 with almost 15.67% profit.

Do I consider this a good trade?

For me yes, few days after I sold my position stock went down 11% back at price 3.04

Kung di ko sya binenta, nawala na yung profit ko, natalo pa ako! 

Paano ba natin masasabe na need na natin mabenta ang isang stocks para hindi maging Loss ang dapat ay profit na?

Sa Trade kong ito, I decided na ibenta ang stocks dahil napansin kong nawalan na ng moementum ang trend ni DITO, I tried to test its strength for more few days pero it failed to rally up. 




 
One of the reason kung bakit ang stocks ay nagfafail to break it's area of resistance is dahil naka abang pa yung mga taong nakabili before na magbenta to breakeven or atleast mabawe man lang yung puhunan nila.

Masasabe din natin mas mataas ang supply kesa sa demand that's why the price failed to break it's resistance.

So yun po, Sorry po for some technical terms pero sana magets nyo po ako. Don't worry mag popost din ako ng mga tutorials ng ibat ibang strategy next time!

Happy Trading and Investing!

No comments:

Post a Comment