Hello mga ka-Trader!
Medyo natagalan yung next post ko due to my busy schedule.
Kung sa iba ang Pandemic at Quarantine ay nagbigay ng mas maraming oras sa mga hobbies nila. Nagpalala at nagpadame naman to sa linya ng trabaho ko bilang isang I.T.
Sa post na to, I discuss ko ang trade ko sa Bloom (Bloomberry Resort Corp), Medyo matagal na tong trade na to at ngaun lang ako nagkaruon ng chance para i-share sainyo dahil magandang example to upang mapakita ang kagandahan ng Cut Loss sa pag trade sa stocks.
Summary:
Stock: BLOOM (PSE)
Strategy: Darvas Box
Entry Price: 8.10
Exit Price: 7.80
Cut loss: -4.00%
Conclusion: Good Trade
Isa sa mga favorite kong strategy ay Darvas Box, dahil sa sobrang simple at madali ito at napatunayan ko na rin na effective sya most of the time basta tama at maganda ang entry mo.
Sa Image sa baba, bumili ako ng BLOOM noong July 3, 2020 at ave price na 8.10.
Kung sanay kana tumingin ng chart, mapapansin mo ang mali ko dito.
Bumili ako sa price na may decreasing volume.
Isa sa mga factors ko sa Darvas box ay dapat yung volume ng Stock sa araw na yon ay above average ng volume for the past 10days, pero dahil nagmadali ako at nasa isip ko lang ay lumabas na sya ng box, bumili agad ako.
Yung Chart below ang naging price action ng BLOOM after several days.
At 2nd day, napansin ko ng mali talaga ako sa entry ko.
nagdecide ako na if bumalik yung price sa range ng box, cutloss ako, benta ko si BLOOM, no mercy.
Binenta ko si BLOOM at 7.80 per share with almost 4% loss.
Tama ba decision ko? YES!
Kung nag hold ako at umasa na taas pa si BLOOM, mas lalo akong maiipit.
Derederecho bumulusok pababa si BLOOM at kung hindi ko ito binenta agad nasa 26% na ang loss ko.
Ito ang kagandahan ng Cut Loss, kahit anung strategy pa ang gamitin mo sa Stock Strading, kung wala kang maayus na Risk management, matatalo ka. Hindi lageng tama tayo sa pag trade, at Cutloss ang nagpapaalala na minsan ay mali tayo, sell then move on.
Sa pamamagitan ng Cut Loss, mas magkakaruon ka pa ng chance na tumigin ng ibang stocks na may mas potential at mababawe agad ang loss mo.
Oo, pwede mo din naman hintayin bumawe, pero hangang kailan ka maghihintay? Days? Weeks? months o years?
Sa Bloom, 2 months na ang nakalipas pero hindi pa rin sya nakakabalik sa Buying Price ko, Kung naghintay ako, 2months akong Ipit, sayang yung mga araw na sana bumili ako ng ibang stocks at kumita.
Mapa Postion trader, Trend Following, B.O or Bottom trader ka, Sanayin mo at gawin disiplina ang cutloss at mapapansin mo in the long run na mas kumikita ka sa ganitong strategy.
Sa next post ko, I shashare ko yung mga winning trades ko after dito kay BLOOM.
Clue: Puro Mining Stocks to!
Happy Trading at Investing sa inyong lahat mga kabayan!
No comments:
Post a Comment