Ano nga ba ang Dividends?
Alam naman natin na ang pabili ng stocks, ay pabili ng shares sa isang company. At pag ang isang Company ay kumita, may mga option na iinvest to sa company nila. Pwedeng Expansion or bonus sa mga empleyado.
May option din naman silang i share ang kita na yun sa mga sharesholders ng company nila, at dahil isa kang shareholder dahil bumili ka ng stocks. Kasama ka sa mga makakatangap nito.
Paano ba malalaman kung ang Company ay nag announced na may Dividends sila?
Punta ka lang sa website ng PSE at tumungo sa Divindends and Right
May Dalawang uri ng dividends ang binibigay ng isang company
First is, ang pinaka common, Cash Dividends, sa Cash dividends ay mabibigay sila ng cash payment depende sa dame ng shares mo.
For Example, Ang GLO or Globe telecom na ay annoucne ng Cash Dividend sa lahat ng shares holders nito na nagkakahalaga ng P24.83 per share at merun kang 200 shares na nabili kay GLO, magkakaroon ka ng P4966 ng walang ginagawa. Saya diba?
Ang Cash dividends pag ito ay natangap mo ay dederecho sa Account balance/Buying Power sa Online Broker mo.
Second is, Stock Dividends, Minsan ay nagbibigay din ang isang company ng stock dividends.
Imbis cash ang ibibigay nila sayo, ay stocks or karagdagang shares sa kanila ang marerecieve mo. Ito naman ay madadagdag sa Portfolio mo
Para maging eligible or makatangap ng cash dividends, Tandaan lang ang 4 Dates na ito.
Declaration Date - This the date kung kailan nag announce ang isang company na magdidistribute sila ng dividends.
Ex-Date - Eto naman yung first day na hindi na eligible ang isang buyer ng stock makatangap ng Cash or stock dividends.
So Kung balak mo makareceive ng Dividend, Siguraduhin mo na nakabili ka ng shares at hawak mo yung shares Hangang yung Ex-Date.
Question: Pag binenta ko po ba yung Shares ko sa Ex-Date mismo, makakareceive pa rin ba ko ng cash or stock dividends?
Answer is YES, OO, Pwede mo na ibenta yung shares mo on Ex-Date or later on.
Payment Date - Date kung kailan lahat ng eligible stockholder ay mare receive ang dividends nila.
So that's it, Ngaun alam mo na kung ano ang dividends. Malalaman mo din kung anung mga company ang magbibigay ng dividends this year dahil ipopost ko din un.
Happy Investing kapatid!
No comments:
Post a Comment